I've posted this before but somehow the link was broken so here's a reupload of my first (and probably the only) Tagalog song ever. It's harder to express in Tagalog without sounding too desperate mushy. So to OPM songwriters, my utmost respect, sirs and madames. (Lyrics below)
***
Antok
Inabot na ng dilim
Bintana'y bukas pa rin
Nakadungaw sa kawalan
Hinihintay ang 'yong
Pagdating
Binulong ko sa hangin
Na sana'y makarating
Ang damdamin ko sa'yong
Ilang taon na rin
Hari ma'y isipan
Di pa rin nawawala
Di pa rin nawawala
Sa puso kong gising
At lagi kang naaalala
Ilang gabing puyat
Antok
Mulat
Dibdib ay naninikip
Dibdib ay naninikip
Sa 'yong pagkamanhid
Bakas na saking mata'y
Hindi pa rin batid
Yakap na sana'y abot-kamay
Ay pangarap pa rin
Ilang buwan pa ang aking
Titiisin...
Balewala ang isipan
Di ka nawawala
Di ka nawawala
Sa puso kong gising
Lagi kang naaalala
Ilang gabing puyat
Hindi mapakali
Sa pangako ng tadhanang
Ika'y mapapasaakin
Antok
Inabot na ng dilim
Inabot na ng dilim
Bintana'y bukas pa rin
Nakadungaw sa kawalan
Ikaw ba'y darating?
No comments:
Post a Comment