Okay. Maiba tayo. Madami na nagstatus tungkol sa movie na 'to pero makikiexpress pa rin ako ng opinyon ko kasi bandwagoner ako.
Ang dami ko nang napanood na pinoy movies pero ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Hanggang pag-uwi ko, iniisip ko siya. Maging sa pag-gising. Chos. Anyway, usually kasi nasa extremes ang storya ng mga palabas: kapag romcom, exaggerated ang character para nakakatawa. O di kaya, biglang magshishift sa family problem para may konting play of emotions.
Pero yung That Thing Called Tadahana, sakto lang. Hindi over the top na lukring ang character ni Angelica, hindi rin pa-romantic "John Lloyd-y" ang character ni JM. Tamang natural na mga tao lang. May titigan scenes pero hindi maninindig ang balahibo mo sa tenga compared sa kung sina Daniel at Kathryn ang umaarte. Yung saktong mapapatango ka lang at mapapabulong ng, "awkward."
Simple lang yung movie. Kasing no-brainer siya as the other romcoms, pero realistic. Siyempre wala akong karapatan makirelate kasi malay ko ba kung anong pakiramdam ng hiniwalayan...more so ang may karelasyon ng walong taon...or kahit ang mismong feeling ng may karelasyon (taena diba). Kaya dun nalang ako huhugot sa mga linyang "panget ba ako?" ni Mace (Angelica). Gusto ko yung sagot ni Anthony (JM) e. Malamang sa malamang nga naman, hindi niya siya sasamahan kung hindi siya "chicks." Kairita kaya yun kung sa totoong buhay may katabi kang umeemote tapos dinadamay ka pa e may sarili kang problema sa buhay (galit?). Pero dahil maganda siya, naging bakante ang schedule ni Anthony at wala nang pami-pamilya--wala nang uwi-uwi--kalimutan na ang mga bagahe. Honest lang si Anthony. Nagpapakatotoo lang din si Antoinette Jadaone na most likely ang mga ganitong love story e mangyayari kapag may itsura ka. Nagself-pity ako ng mga 5 seconds dun. Pero tanggap ko naman. Lol
Ang galing din ng dialogue. May hint ng sarcasm yung humor. Yan yung mga mas nakakatawa kasi kapag hindi mo pinag-isipan, hindi mo magegets. At kapag nagets mo, feeling mo ang talino mo. Speaking of talino, siyempre irerelate ko din sarili ko sa mga UP remarks nila. Yung mga inferiority complex ni Anthony pagpasok niya ng kolehiyo...o kaya yung laki-ulo/haba-ng-hair moment ni Mace nung makatanggap siya ng praise from her professor for her short story. Palanca award agad ang naenvision ng pota. At yung linya niyang, "Aren't we supposed to be great by this time?" na tumagos sa mga dakilang palaboy pa rin hanggang ngayon na gaya ko. Yung mga ganung everyday conversations na parang kasama ka lang nila sa biyahe at nakikinig sa kwentuhan.
Lakas ng tama. Lakas ng tama ko kay JM de Guzman. Anoba. Wala na yung ibang peg kong mapangasawa, natabunan na ng pagkatao ni JM. Well, not really JM himself, but si Anthony na may mukha (at sige, pati katawan na rin, with his tattoos and all) ni JM. Ang moral of the story e i-display mo yung thongs mo sa airport para may lumapit na Anthony. NOTED with capital letters.
Yun lang. In short, nagustuhan ko yung movie. Tara sa Sagada.
No comments:
Post a Comment